Follow my blog with Bloglovin

Maya Easy Credit Now Up to ₱50K: Flexible Funds for Everyday Needs

May mga pagkakataon talaga na kailangan mo ng kaunting dagdag na pera agad-agad. Hindi dahil mali ang pagkabudget, kundi dahil hindi laging tugma ang timing: nagsasabay ang bayarin, may dumarating na gastos nang mas maaga, o hindi pa pumapasok ang sweldo mo. Normal lang ’yan.

 

Sa mga ganitong pagkakataon, ang Maya Easy Credit[1] mula sa Maya, ang #1 Digital Bank sa bansa at isang leading all-in-one fintech platform, ang iyong maaasahan.

 

Ngayon, mas mataas na ang puwede mong mahiram, hanggang ₱50,000, kaya mas madali kang makaka-access ng extra funds kapag kinakailangan. Puwedeng pambayad ng magkakasabay na bills, o pang-cover ng gastos bago ang susunod na sweldo. Ginawa ito para tulungan kang makaraos sa ganitong sitwasyon.

 

Sa totoo lang, karamihan sa traditional options ay para sa mas malalaki at pangmatagalang commitment, madalas higit pa sa kailangan mo kung panandaliang kakulangan lang naman.

 

Sa Maya Easy Credit, hindi mo kailangang mag commit long-term. Isa itong revolving credit line: gamitin mo lang kung magkano ang kailangan mo, bayaran sa loob ng 30 araw, at magbabayad ka ng service fee (starting at 3.99%) base lang sa halagang ginamit mo. Simple, malinaw, at madaling i-manage.

 

At kung iisipin, matagal na ring dapat nagkaroon ng ganitong opsyon. Noon, may stigma ang credit o pag hiram ng pera, parang huling opsyon lang kapag may problema na. Pero hindi na ganito ang takbo ng finances ngayon.

 

Mas madalas, hindi na ito tungkol sa malalaking emergency, kundi sa timing. Hindi laging sabay ang gastos at sweldo, at kadalasan, ang tanong ay hindi kung kaya mong bayaran, kundi kung may pang-bayad ka ngayon.

 

Kaya nagbabago na rin ang tingin sa credit. Hindi na siya last resort, kundi isang praktikal na opsyon. Isang bagay na puwede mong gamitin kung kailan kailangan ng panandalian, flexible, at madaling i-manage na funds.

 

At dahil naka-integrate ang Maya Easy Credit sa app na ginagamit mo na para sa payments at savings, seamless ang experience. Mula sa pag-check ng available credit hanggang sa pagbabayad, lahat nasa iisang app, walang paperwork, walang collateral, walang dagdag na hakbang.

 

Kapag may ganitong opsyon, nag-iiba rin kung paano mo tinitingnan ang pera mo. Dahil ang nagbabago ngayon ay hindi lang kung paano ginagamit ang credit, kundi kung paano ito nagiging bahagi ng araw-araw na buhay.

 

To know more, visit maya.ph or mayabank.ph, and follow @mayaiseverything on Facebook, Instagram, YouTube, and TikTok to stay updated. Approval and offer are subject to credit evaluation. Maya Philippines, Inc. and Maya Bank, Inc. are regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas. www.bsp.gov.ph. For 24/7 assistance, visit the Help Center in the Maya app or call us from 8 AM to 7 PM daily at +632 8845-7788.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Comments

Facebook